Our Lady of the Annunciation Parish
Home » Spiritual Aid » Novena Prayers » Pasasalamat
Spiritual Aid
Sunday Gospel Reflections
Novena Prayers
Stories of Faith
Prayer Request
Links of Interest
Nobena sa Mahal na Birhen ng Anunsasyon

Pasasalamat

Kami ay nagpapasalamat sa lahat ng tumulong upang mabuo at mailimbag ang Nobena sa Mahal na Birhen ng Anunsasyon:

Ang Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo sa pagmamahal, inspirasyon, at Ilaw na ipinagkaloob upang ang Nobenang ito ay maging isang maligayang katuparan

Ang Mahal na Birhen ng Anunsasyon sa kanyang pakikilakbay sa mga manunulat sa bawat bahagi ng daan upang magkaroon ng isang mapagninilayang Nobena

Si San Lukas sa kanyang mayaman at magandang ebanghelyo na nagsasalaysay ng Anunsasyon, na nagdulot sa mga manunulat ng malalim na panalangin at pagninilay kung gaano kamahal ng Diyos ang sangkatauhan kaya ipinadala Niya ang kaisa-isang Anak sa pamamagitan ni Maria

Si Rev. Fr. Mario S. Sanchez, kura paroko ng Our Lady of the Annunciation Parish, sa kanyang pagbibigay-sigla sa kahanga-hangang kaganapan ng Nobena, gayundin sa kanyang pagtitiyaga at pagtitiwala sa mga manunulat nito

Si Verny Tiamzon sa kanyang pagdidibuho sa pabalat

Si Danny Mendiola sa pagsasalin sa Filipino ng Awit kay Maria ng OLAP

Ang pintor na si Pancho Piano sa kanyang magandang paglalarawan sa tagpo ng pagbabalita ng Anghel Gabriel kay Maria

Sina Susan Bernardo, Ollie Abes, at Reggie Galvez sa kanilang kagandang-loob na matipon at makiisa sa mga manunulat

Ang mga manunulat ng Nobena sa kanilang pagtalima sa Diyos, upang ang bawat pagtitiyaga na ipinunla – na kung saan sumibol ang mga ugat at mga bulaklak – ay nagdulot sa sambayanan ng Diyos ng matamis na bunga ng kanilang sama-samang paggawa:

Finda Lacanlalay: Maria, Napupuno ng Grasya . (Lukas 1:26-28)
Irene Arroyo: Maria, Ang Sanhi ng Ating Galak (Lukas 1:28)
Ma. Thelma Mendiola: Maria, Mapag-aliw sa mga Nagdurusa (Lukas 1:29)
Ramil Magturo: Maria, Reyna ng Kapayapaan (Lukas 1:30)
Volet Pineda: Maria, Ina ng Katarungang Panlipunan (Lukas 1:31-32)
Myrna Virtudazo: Maria, Ina ng Liwanag (Lukas 1:35)
Gertrude Uyenco: Maria, Saklolo ng mga Kristiyano (Lukas 1:36-37)
Evelyn Roble: Maria, Alipin ng Panginoon (cf Lukas 1:38)
Tillie Pineda: Maria, Ina ng Pananampalataya (cf Lukas 1:38)

At ang mga kaparian ng OLAP, ang Parish Pastoral Council, at ang mga parokyano sa kanilang inspirasyon, pagtataguyod at mga panalangin.